Dear: Caller

12: 51 am
10/27/15


Dear:  Caller


Tumatawag ka nanaman.  Bullsheeet!!! I told you ayaw ko na, so pls leave me alone. Pero bakit ba sa tuwing pinipilit kong kalimutan ka at sinusubukan magmove- on tsaka ka naman nangungulit.After our last fight,five days tayong di nagkita,di ka nagtext,di ka tumawag in short namiss kita . Actually,parang mas nakabuti para sa akin ang hindi mo pagpaparadam. Well masakit pero in fairness I tried to be happy. Masakit pero kinaya ko , Kinaya? O Pinilit? Okey pinilit! Pinilit kong isink in sa utak ko na you’re not good for me.(Uiii English yon) I am young, talented and beautiful marami pakong makilala at hindi ikaw ang pinakagwapo at huling lalaki sa mundo.  Hindi ko diserve ang masaktan at saktan mo ng paulit ulit. Ironic na lagi kong sinasabi sa mga kaibangan ko na “Don’t let the same man hurt you twice” pero ako itong laging nagpapauto sayo.

Sa limang araw na hindi tayo nagkikitata at nagkakausap sinubukan  ko ang kalimutan ka pero konti lang(The famous McDo TVC). Nagisip ako ng mga masasamang bagay tungkol sayo para lang utuin ang sariling kong ayus lang ako na wala ka. You’re not my loss kung baga. Pero ewan ko ba kung bakit wala akong maisip na pangit tungkol sayo. Bakit naman kase lahat ata ng hinahanap ko sa isang lalake na sa iyo na. Gwapo ka ,sa sobrang gwapo lahat ata may gusto sayo. Matalino ka, lahat ata alam mo pati di mo dapat alamin pinakikialaman mo. Mabait ka, kahit kanino sobrang bait mo na papunta na sa pagiging malande. Nung wala akong maiisip na pangit na katangian mo nagimbento nalang ako.


Binura ko rin ang number at mga messages mo para di ako matemp na tawagan o itext ka. Kahit na memorize ko naman ang number mo at lagi akong naghihintay ng message and call galling sa hindi naka save na number. Itinuon ko ang atensyon ko sa mga bagay na gusto kong gawin at nagpapasaya sa kin. Nariyang maka anim akong movies sa isang araw. Kahit anong pelikula pinanood ko pati nga “YAya and Angelina “  pinatos  ko na. Natapos ko narin lahat ng mga bago kong biling libro. Maging yung mga natapos ko na  binasa ko ulit kahit pa pang apat na beses ko na.  Bongga naman effective kahit paano nakalimutan kong broken pala ako.


 Hanngang sa kaninang umaga ikaw ang umistorbo ng tulog ko. Naka dalawang missed calls ka sa inis ko diko nga sinagot. ( Bat naman kasi alas-6 ng umaga ka tumatawag, umamin ka nga nakadrugs ka ba?) May text ka pa nga sabi mo “pwede ba sagutin mo” ang kapal murin no masyado kang tyrannic feeling mo naman patay na patay ako sayo para mapasunod mo. Nung hapon nagcall ka nanamn buti nalang at nageenjoy ako sa chat naming ng mga friends ko tungkol sa ibat ibang klase ng P### kanya nakayanan kong wag sagutin. Kinagabihan inisip ko kung bakit ka kaya tumatawag and to be honest kinilig namn din ako kahit paano. Hanggang sa bigla kang tumawag nanaman. Sa sobrang taranta na sagot ko agad di man lang ako nakapagpakipot at hinitay na makatatlong missed calls ka sana. Pagkarinig ko palang sa boses mo bigla na naman bumilis tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis diko na nagawang mag inhale exhale at bilangin ito.

 So ayon as expected binola bola mo nanamanako  at ako naman si tanga ay isang dakilang bolabola. Ewan ko ba kung bakit pagdating sayo ang tanga tanga ko matalino naman ako kahit na most neat lang lagi award ko. Siguro tama sila na kahit gaano kapa katalino kapag nagmahal ka ng tunay mababaliw ka kapag dika nabaliw baka dika nagmahal ng tunay( ewww ha kadiriii!!!!).  Ano bang bago marahil nasanay ka nalang. Ganyan naman kasi palagi, magaaway tayo tapos isang I love you at isang sorry mo lang ayos na ulit tayo. Haiii!!Ewan,Mapride akong tao pero bakit pagdating sayo nalulunok ko to. Tangna!! Dami ko na linunok para sayo ha,.Lagi kong sinasabi ayaw ko na ,tama na ,last na pero di kita matiis eh. Dahil kahit ikaw ang taong nakakapagpaiyak at nakakasakit sakin ng lubos ikaw rin lang naman ang nakakapagpasaya sakin kahit na alam kong mali. Kung pwede lang na parang call log lang ang lahat na sa isang pindot lang pwede kong iearase lahat ng call history lahat ng memories ko sayo . Sana may button na block caller din sa puso para ganoon lang kadaling maputol ang ugnayan ko sayo. Sheeeet!! badtrip lang  nasayang ang lang lahat ng effort ko sumakit pa ng mata ko sa kakapanood at kakabasa kakalimutan ko lang pala lahat kase tumawag ka nanaman.


No comments: