Ang Babaeng Kabitenya


Dec 14,2015

Ang Babaeng Kabitenya

(Diary entry ng isang taong hindi ko alam kung paano ko nakilala at paanong nakasulat ang lintik sa aking diary)

I can still remember the day after the night she texted me. Isn't it ironic? How can I remember something I'll never forget? Yung day na nagdesisyon tayong tapusin na ang kung ano mang malanding ugnayan ang meron tayo. Tapusin ang isang bagay na hindi natin dapat sinimulan. Kase hindi na tama.Sa simula palang naman hindi na tama ang lahat pero dahil pareho tayong may tama humantong tayo sa situwasyo na tayo na ang tinatamaan. So para masalba ang katiting na dignidad at self-respect na natira sa akin at para marevive nyo pa ang putapiping naghihingalo ngunit di mamataymatay niyong relasyon I was brave enough to let you go. Napagdesisyunan nating kalimutan ang lahat at dumistansya sa isat-isa. Distansya na kasing layo ng paa sa ulo at ng Batanes sa Julo. Kung pwede ngalang na isa sa atin ang sumama sa one way trip sa Mars para mabigyan ng bongang space ang isat-isa.


Masakit at mahirap na hindi tayo nagpapansinan. Yung tipong dinadaanan lang natin ang isa't isa. Para kang tae sa kalsada na iniiwasan kong makasalubong. Ang hirap pala na gusto kitang kausapin at lapitan pero di ko magawa baka magmukhang ako ang patay na patay sayo. Minsan napatingin ako sayo (sige na nga tinitignan talaga kita paminsanminsan) nagkasalubong tayo ng tingin. Ewan pero para akong tanga na sa halip na ibaling yung tingin ko sa ibang direksyon ay ngasmile pa ang gaga pero yung konti lang yung awkward na smile na sakto lang gumalaw yung Gucci lips ko. Alam ko mahirap din yon para sayo (ayan ha di nako selfish inassume ko na rin na baka nasasaktan ka.) Medyo ramdam ko na malungkot ka pero sawa nakong magassume sa ating dalawa kanya inisip ko nalang na baka siya yung dahilan kung bakit ka malaungkot. Baka di kayo okey after ng nangyari o baka naman sana malapit na kayo maghiwalay.(Kung pwede lang pero alam ko naman na hindi mo sya hihiwalayan para sa akin.)

Magiisang lingo din tayong ganoon. Maayos na sana ang lahat unti unti sinasanay ko na ang sarili ko na wala ka sa mga bagay na madalas nating ginagawa pero sadyang badtrip ang tadha. Isang araw ikaw mismo ang lumapit at kinausap mo ko napakacasual mo lang you talked to me the way you talked to me before all these shits happened. You didn't even ask me if I'm okay or talked about that incident. Parang walang lang sayo ang lahat. Akala ko mahirap na ang iwasan ka at hindi ka pansinin pero mas mahirap pala ang pansinin at kausapin ka na tulad ng dati. Mahirap man pero pinilit kong sabayan ka,pinakita ko sayong okey lang din ako at wala lang din sa akin ang lahat. In fairness pwede akong Manalo ng OSCARS sa galing ko umarte. Pero napakahirap magpanggap na okey lang ako pagkausap mo. Ang hirap magpangap na wala na akong nararamdaman para sayo.Hindi parang computer files na pwedeng madelete lang basta basta ang feelings ko sayo at ang fact na minsan tayong naglandian. (Take note naglandiaan ang term bukod sa ang corny kase ng nagmahalan. Bakit nagmahalan ba tayo?Baka ako ewan ko lang sayo.) Kahit anong gawin natin hindi na tayo pweding bumalik sa dati. We cant be friends and I dont want you to be my enemy,so good bye.

PS: Help me gain my self-respect back,Ikaw na ang lumayo!!!

No comments: