Si Lola at ang Toothache


Si Lola at ang Toothache

Noong bata ako naalala ko pa kung gaano kalakas ang iyak ko ng minsang sumakit ang ipin ko. Hindi alam ng mga tao sa bahay kung paano ako patatahanin. Maging ang paghalik ni lola sa pisngi kung saan naroon ang masakit kung ngipin ay walang effect. How I wish na sana bata na lang ulit ako para okey lang umiyak kapag sobrang sakit na.  Na sa simpling pagiyak ay maylalapit agad para subukan akong patahanin.Pero sayang hindi na ako bata at nakakahiya naring umiyak. Sabi ni lola kailangan daw ipabunot sa dentist ang ngipin ko. Natakot ako bigla at sinabi ko na ayaw kong magpabunot ng ngipin kase alam kong masakit. Niyakap ako ni lola at sinabi niyang ’’Masakit talaga yon apo, pero yun lang ang tanging paraan para di ka na masaktan. Kapag hindi mo pinabunot yan patuloy ka lang mahihirapan ’’ Pero dahil takot talaga ako sa dentist at injection sinabi ko na itutulog ko nalang baka bukas hindi na masakit. Minsan ang pinaka mabuti at tamang gawin is to get rid of someone para dina tayo masaktan.Masakit man pero kailangan nating tiisin para di tayo masaktan ng pauliulit. Pero dahil takot tayong masaktan ay tinitiis natin ang sakit at umaasa na lang na isang araw maginging maayos din ang lahat.

Kinabukasan sobrang sakit parin ng ngipin ko . Pero dahil sa ayaw kong magpabunot ng ngipin bukod sa masakit ay napamahal narin sa akin ang bagang na iyon kaya kung ano-ano ang mga pinaggagawa ko para lang matangal ang sakit. Nariyang magtoothbrush ako ng sampung beses ang ending namaga lang ang gums ko. Tinapalan ko rin to ng asin, toothpaste , sosa at clorox pero wala parin. Sa pagnanais kong mapanatili ang isang bagay umaabot ako sa punto na nasasaktan ko na ang aking sarili. Nang halos magbackflip nako sa sakit at hidi ko na talaga makayanan ay ako na mismo ang nagyaya kay lola na ipabunot na ang ngipin ko. Tinanong ako ni lola kung masakit ba. Oo, sabi ko kaya kung pwede ipabunot na namin ang ngipin ko sa lalong madaling panahon. Kaso apo hindi pa yan pweding bunutin hangang may sakit kapang nararamdaman. Hintayin mo munang humupa ang sakit. Noong mga panahon na iyon nagtataka ako kung bakit kailangan pang hintaying humupa ang sakit bago ipabunot ang ngipin pero ngayon naiintindihan ko na. Hindi mo pweding alisin ang isang tao sa buhay mo hangang may nararamdaman kapang sakit. Kapag hindi na umaakyat ang dugo sa ulo mo kapag nababagit ang pangalan niya,kapag hindi ka na umiiyak kapag iniistalk mo sya sa facebook at kapag tinatawanan mo nalang lahat ng kagagahang nagawa mo para saka niya. tsaka mo palang siya pweding kalimutan at tangalin sa pusu mo. In lay man’s term makakamoveon ka lang pag di kana bitter.

Kaya ng hindi na masakit ang ngipin ko nagpunta kami sa dentist. Pagpasok palang ng clinic my heart is in a rampage na.Para akong matatae sa sobrang kaba kaya binulungan ko si lola na umuwi na kase diko talaga kaya. Tutal hindi naman na masakit kanya wag nalang naming ipabunot. “Alam mo ngayon hindi yan masakit pero bukas makalawa sasakit na naman yan at pagnangyari iyon pagsisihan mo kung bakit di mo pa yan pinabunot ngayon”. Kapag sinaktan ka ng misan siguradong masasaktan ka niya ulit.Kaya habang maypagkakataon kapa layuan mo na. Leave him while you still can wag mo ng hintayin na dumating ang araw na wala ka nalang magawa kundi tiisin ang sakit. Kaya kahit na alam kong masakit at puno ako ng kaba ay pinilit kong maging matapang para sa ekonomiya at pinabunot ko ang aking ngipin. Super proud sa akin si lola kasi daw ang tapang ko at kinaya ko yung sakit at sabi niya maghintay lang daw ako at may panibagong ngipin na naman na tutubo na makakasama ko hangang sa pagtanda ko basta aalagaan ko.


November 2,2015
11:35 PM

No comments: