EARL : THE GAY FATHER Chapter 1 : THE FAULT IN OUR SPERM

EARL : THE GAY FATHER


EARL : THE GAY FATHER

Chapter 1 : THE FAULT IN OUR SPERM

Sa mundong nababalot ng palakpak, kasikatan, at pera, narito ako—si Earl, ang kaibigan na palaging nasa tabi ng mga bida sa mga palabas at pelikula na iniidolo ninyo. Noon pa man, pangarap ko nang makilala sa TV at pelikula. Mahilig ako sa pag-arte. Gusto kong ipakita sa mga tao ang talento at galing ko sa pag-arte. Pero paano ko magagawa ito kung laging gay best friend roles lang ang ibinibigay sa akin? Oo, matagal na akong nasa industriya pero palaging supporting roles lang ang natatanggap ko. Yung tipong kahit wala ako, tuloy pa rin ang kuwento.

PERO SA KWENTONG ITO AKO ANG BIDA, DI LANG AKO EKSTRA...

"Anak, wala ka bang shooting ngayon? Hindi ba sa SIA Mall ang location ng inyong shooting?" tanong ni Magda. "Hay naku ma, nakalimutan mo na bang supporting role lang ang role ko at hindi ako ang bida? Tatlong beses lang ang shooting days ko sa isang linggo," sagot ni Earl."Ewan ko sa'yo, bakit mo tinanggap 'yang teleseryeng 'yan. Hindi ba uso na ang mga Beki series ngayon?" tanong muli ni Magda. "BL series 'yun, ma," pagtama ni Earl sa kanya. "Oo, BL. Di ba nag-audition ka sa isang ganoong serye?" usisa ni Magda. "Oo, ma, pero sabi ng director, masyado daw akong bakla para sa lead role. Hanap nila ay straight actor o manly. Manly Monroe lang kasi ako ma. Kaya, hindi ako natanggap," natawa pero may halong panghihinayang na sabi ni Earl.

"Ganun ba, hay, dibale anak, darating din ang break mo. Si Allen, dito ba siya magdidiner?" tanong ni Magda. "Oo ma, darating siya pagkatapos ng shooting niya sa teleserye namin at may rehearsal pa siya para sa Sunday noontime show pero tapos na daw siya," sabi ni Earl."Hay, ang swerte talaga ng boyfriend mong 'yan. Isa siya sa top celebrities sa Pilipinas at puno ang schedule niya sa isang linggo - may isang teleserye at tatlong regular shows," sabi ni Magda. "Ganun man ma, nakakaawa din siya. Halos hindi na siya nakakapagpahinga at wala na siyang time sa akin," paliwanag ni Earl."Nako anak, intindihin mo na lang. Ganyan talaga, para sa inyo rin naman yan. Kailangan ninyo ng pera lalo na't balak ninyong mag-anak," paliwanag ni Magda. "Oo nga ma, pero buti na lang malakas siyang kumita at may afford kami magpa-artificial insemination," sagot ni Earl.

"Alam mo anak, nalulungkot ako. Mag-aanim na taon na kayo pero hanggang ngayon tago pa rin ang relasyon ninyo. Magaanak na nga kayo pero hindi pa rin kayo umaamin na kayo na," malungkot na wika ni Magda. "Ma, alam mo naman na they will label Allen as gay dahil lang may relasyon kami diba. At alam naman natin na sikat siya ngayon. Kapag nalaman ng mga fans na may relasyon kami, siguradong ibabash ako ng mga iyon at for sure, napakalaking iskandalo noon. Lalo na ngayon, costar ko sila ng kaloveteam niyang si Bella sa teleserye namin. Sige ka, hindi pa nga ako sumisikat, malalaos na agad ako. Isa pa alam mo naman na bawal maging bakla ang bidang artistang lalaki sa Pilipinas. Pagbakla ang artista, big deal sa mga fans at wala na itong karapatang maging leading man," paliwanag ni Earl."O sige, sige na, naiintindihan ko ikaw talaga," sabi ni Magda.

Nasa ganung eksena ang mag-ina nang biglang dumating si Allen. "Good evening tita, good evening babe. Pasensya na at na-late ako. Nagre-recording pa kasi ako para sa production number namin sa Sunday," paliwanag ni Allen."Kanina ka pa ba?" tanong ni Earl. "Hindi, kakarating ko lang. Ayun sakto, handa na ang food. Pwede na ba akong kumain? Gutom na gutom na din kasi ako eh," sabi ni Allen."O sige tama na yan, dito na at kumain na tayo," pagyaya ni Magda. "Sige po ma. O babe, damihan mo 'yan ha, ako nagluto nito tapos 'yan naman si mama," paanyaya ni Earl"Mapapadami ata kain ko nito," masayang wika ni Allen.

"Oo nga pala, sa Sunday na pala ang alis natin pa US para sa insemination. Nakilala ko na ang magiging surrogate mother ng baby natin, at maganda siya at super bait," sabi ni Earl."Ah, babe, madami kasi akong naka-schedule na mall shows para sa promo ng bagong serye natin. Hindi ako makakasama. At alam mo naman, baka madaming Pinoy reporters at fans doon. Magtataka sila kung bakit nandoon ako at bakit magkasama tayo," paliwanag ni Allen."Oo nga pala, di ko naisip. Pero need mo makasama doon para kunan ka nila ng similya diba," sagot ni Earl."Um, okay lang ba babe kung similya mo nalang? Tutal, diba kinuhanan ka na ng similya last month at nakafrozen na sa kanila," tugon ni Allen.

"Similya ko? Akala ko gusto mo similya moat napagusapan natin na similya mo ang gagamitin?" sabi ni Earl na nagtataka."Babe, similya ko man o sayo, it does not matter. Baby natin yon. Ang maganda nga, similya mo ang gamitin para matalino ang bata," paliwanag ni Allen."Talaga? Pero dapat kasi similya mo para kasing gwapo mo," malambing na sabi ni Earl. "Sus, pahumble ka pa. May itsura ka din naman eh," sabi ni Allen sabay kurot sa pisngi ni Earl. "Ehem, kumain na, ano ba kayo, gusto ko magkaapo pero hindi maganda na similya ang pinaguusapan sa hapagkainan. Kumain na kayo," sabat ni Magda. Nagtawanan ang tatlo.

............

Sa isang mall na hindi kalayuan mula sa tahanan ni Earl, sa isang opisina...

"Ma, sige na, please, I have this big project. Kailangan ko ito para sa expansion ng mall. Paki-approve mo na ang budget na nirerequest ko," pakiusap ni Jake sa biyenan.Ngunit hindi nakaramdam ng tuwa si Doña Melva. "Jake, kailan ba huli mong naglaan ng oras para sa iyong asawa? Puro trabaho ka lang. Kaya naman pala hindi niyo ako mabigyan ng apo," sabi niya."Ma, we are trying. Nahihirapan lang talaga magbuntis si Anna pagkatapos niyang makunan," sagot ni Jake."Modernong panahon na ngayon, Jake. Kung gusto mong magkaanak, maraming paraan. Bakit hindi kayo magpa-consult sa doktor at subukan ang artificial insemination?" suhestyon ni Doña Melva.

"Okey, ma, pag-uusapan namin ni Anna. Pero for now, please, paki-approve mo na yung budget na nirerequest ko," pilit na sagot ni Jake.Ngunit hindi nagpapadala si Doña Melva. "No! Jake, I already booked you an appointment. Matapos 'yon, pag-usapan natin ulit ang budget," pahayag niya."Ma, kahit gaano ko kagusto na matuloy ang project at expansion, hindi ako magmamadali sa ganyang kalaking desisyon," pagtanggi ni Jake, na halatang naiinis."Do it for our family, Jake. Si Anna lang ang tunay na anak ko at kailangan ko ng apo mula sa kanya," pagmamatigas ni Doña Melva.

.....

Sa isang Clinic sa America kung saan halos Pilipino ang mga nars at doktor, naghihintay si Anna kasama ang kanyang asawang si Jake.

"Honey, wala namang masama sa gusto ni mama. Nahihirapan tayo sa natural na paraan, baka ito ang makatulong sa atin," panghihikayat ni Anna sa asawa."May magagawa pa ba ako? Nandito na tayo. Sino ba lagi ang nasusunod, diba ang mga magulang mo," sagot ni Jake.

Biglang lumapit si Nurse Cath, "Sir, heto po, we need your sample. Sabay abot sa lagayan. Ma'am, pwede po bang tulungan si Sir?" sabi ni Nurse Cath."No, he can do it. I'll prepare myself para pagkatapos niya, agad na akong susunod para sa procedure. Busy kami, ayaw na naming magpabalik-balik pa," sabi ni Anna.

Dumating si Earl kasama si Magda.

"Hi! Nurse, we are here for the insemination at yung sample ko, papaunfrozen na din," bungad ni Earl."Ahh, with Doctor Sandiego po no sir, meron lang din po siyang patient na nauna, hintay po muna kayo while iuunfrozen po namin yung sample," sagot ni Nurse May."Wait, diba kami lang ang nakaschedule sa time na ito?" tanong ni Earl, na may halong pagtataka."Opo sir, kaso po sir, diko po alam bigla may nagsingit po yung secretary kahapon na VIP daw pala ng ibang appointment at namove po ang schedule ninyo. Sorry po sir, Okey lang po ba, mabilis lang naman po," paliwanag ni Nurse May."Ganoon ba, sure, sure, no big deal, maghihintay na muna kami sa may upuan. Wala pa din naman yung surrogate mother, papunta palang," sabi ni Earl.

Dala na ng nurse ang sample ni Earl pero napansin nito na pamilyar si Earl sakanya."Diba po kayo yung Bestfriend ni Bella Garcia sa teleserye niyang bago ngayon?" tanong ng Nurse."Ahh, oo, ako nga, salamat at nanood ka ha," tugon ni Earl."Ay alam mo ba sir, idol na idol ko po talaga si Bella, bagay na bagay po sila ni Allen, no sir. Baka naman sir pwede kaming magpapicture sayo," ani ni Nurse May, na puno ng excitement.

Bigla dumating si Jake "Excuse me, Miss, here is my sample, mamaya ka na magpapicture diyan at kunin mo na ito, I have to take this call," sabi niya, na puno ng pagmamadali. Nagtaka si Earl dahil pamilyar sa kanya ang boses ng lingonin niya ay nakita niya ito si Jake. Si Jake na ex boyfriend niya.Tatanungin nya sana ito kung anong ginagawa nito sa hospital na iyon ngunit nakatalikod na ito at may kausap sa telepono.Tumawag din ang surrogate ni Earl sakanya at sinagot niya ito."Ah, sige po sir, sorry po," sagot ni Nurse May.

Dumating si Nurse Cath "Nurse May tapos na ba si Sir Jake, ready na ba sample nya?" Iniabot ni Nurse May ang sample na hawak nya ang sample ni Earl.Nurse , sorry ,can I cancel my appointment? nagkaproblema lang kasi yung surrogate namin di daw siya makakapunta ngayon.Narush ang mother niya sa hospital. Pakiusap ni Earl. Ganun po ba sir ,okey lang po sakto maypupuntahan din si Doc kanya nagcancel siya ng mga appointment today. sagot ng Nurse.

"Hi, Ms. Ana I am Doc Sandiego, asan na ang kasama mo?" tanong ng doctor kay Ana."Nasa labas po siguro, diko nga po alam bakit di pumasok, may work related calls panigurado" sagot ni Anna."Doc heto na po yung sample ni Sir Jake." Sabay abot sa sample ni Earl."Okey, Ms. this will be quick ha," ani ni Doctor Sandiego. "Sige po, Doc," tugon ni Anna. At naisaksak na ni Doc Sandiego ang sample ni Earl kay Anna.


ITUTULOY....

No comments: