Chapter 2

 Chapter 2 : BangBang


Makalipas ang isang buwan...


"Honey, I have a surprise for you," sabi ni Anna, na puno ng kasiyahan sa kanyang mga mata."Ano 'yon? Annieversary ba natin?" tanong ni Jake ."Nope, di natin anniversary, pero tingnan mo, this is good news," sagot ni Anne, habang inilabas ang isang regalo para kay Jake.Binuksan ni Jake ang regalo at nakita ang isang pregnancy test."Does this mean?" tanong ni Jake, na puno ng saya."Yes, Honey, magiging tatay ka na," masayang sagot ni Anne, habang hinahawakan ang kamay ni Dominic."Wow, talaga? Nakakatuwa! Wait, wait, dapat malaman 'to ng papa . Call mo na din ang nanay mo, for sure matutuwa siya," sigaw ni Dominic, na puno ng emo saya sa kanyang puso.

...


Sa parehong lingo  ay pinatawag ni Doc Sandiego sina Earl, Jake at Ana  


"Ano? Pano? What do you mean nawawala ang similya ko?" ang biglang tanong ni Earl, nagulat sa narinig."Sir, si Dra. Sandiego na lang po ang mag-e-explain sa inyo," sagot ng Nurse na sinusubukan pakalmahin si Earl."Sir Earl, I am so sorry pero hindi namin nawala ang similya mo." kinakabahang paliwanag ni Dra. Sandiego.Nagpahayag ng pagkabahala si Magda, "Kung hindi nawala, nasaan na ang similya ng anak ko?""D-Doc, asan na doc?" sa gulat at dala ng pagkabahala ay muli na namang nagtanong si Earl. 


"Nainsiminate ko ang similya mo sa ibang babae. Nung iinsiminate ko na ang similyo mo sa napili ninyong surrogate, hindi ko napansin na iba ang pangalan na nakalagay sa sample na hawak ko. Kaya buti na lang hindi ko na-insert ito sa surrogate ninyo. Pero nung i-check ko ang sample mo, na-insiminate ko pala ito sa ibang babae. I am really sorry, Mr. Earl," paliwanag ng doctor na puno ng pagmamakaawa.


"What? Seryoso? You mean sa maling babae ninyo nainsert ang similya ko. Iba ang magiging nanay ng anak ko? Sino? Sino, Doc?" ang boses ni Earl ay puno ng pagkabahala.


Sakto dumating na sina Jake at Anna, 

"Mr. Earl, siya po ang nanay ng magiging baby ninyo," pakilala ni Dr. Sandiego kay Anna"Jake?" gulat na sabi ni Earl sa pagkakita sa mag-asawa, lalo na si Jake,ay ex boyfriend ni Earl. "Earl?" buong pagtataka ni Jake. "Wait, you know each other?" gulat na tanong ni Anna.


"Oh yahh, Si Earl, we attended the same school in college," ang mabilis na tugon ni Jake. "Pero wait, doc, you mean siya ang daddy ng baby ko? But obviously he's  gay."  buong dismaya sabi ni Anne."

"You mean hindi ako ang daddy ng baby?" ang gulat na tanong ni Jake. "So, ako ang daddy ng baby mo, Jake?" ang mabilis na pagtatanong ni Earl. Tumango lang si Dra. Sandiego


"Ako ay humihingi ng tawad, Dra. Sandiego, pero napakapabaya ninyo para mangyari ang ganito. Pananagutin namin kayo rito. I am so sorry, Earl, we have to go. This is too much for Anna , and I'm sure for you too. This is not the best time to talk about this. I'll consult a lawyer, then we will talk to you. Excuse us, Anna, let's go," ang seryosong pahayag ni Jake, na bakas ang galit. "I guess that's a great idea, we all need time to think," pagsang-ayon ni Earl kay Jake.

...


"Ma, okay lang 'yan," mariin na sabi ni Jerome sa inang si Dra. San Diego, habang hinihikayat niya itong umupo sa sofa. "Masyado kang nag-ooverthink ma magpahinga ka muna" dadag pa niya.


Ngunit ang mukha ni Dra. San Diego ay puno ng pag-aalala. "Hindi anak," sagot niya, "maaari akong mawalan  ng lisensya at hindi na ako makapag-practice pa. Mahal ko ang trabaho ko at pinaghirapan ko ito para marating kung nasaan ako ngayon."


Hindi alam ni Jerome ang sasabihin "'Ma makikipag-usap kami sa mga abogado at sa kanila. Huwag kang mag-alala, magpahinga ka na para sa akin, importante ang iyong kalusugan ako ng bahala paniniguro niya sa ina.

...

Sa  loob ng dressing room ni Allen sa SIA Mall kung saan nagshoshooting si Allen ng kaniyang TV series.

"Seryoso ba 'yan?" tanong ni Allen, na tila hindi makapaniwala sa naririnig. "Sino sila? Baka pwede nating kausapin para ibigay na lang sa atin ang bata. Kung gusto nila, babayaran natin sila."Ngunit agad na tinanggihan ni Earl ang ideya. "Hindi pwede, mayaman sila. Sila ang may-ari ng mall kung saan tayo nagshoshooting ngayon. Si Jake."


Nabigla si Allen. "Ano? Si Jake? Si Jake na boyfriend mo noong college ka? Ex mo?"Nagpatango si Earl. "Oo! At ang asawa niyang si Anna ang magiging ina ng anak ko." paliwanag ni Earl.Nagulat si Allen sa nabalitaan. "Paanong nangyari? Okay ka lang, babe?"Bago pa man makapag-react si Earl, biglang pumasok si Bella , ang leading lady ni Jake sa TV series, sa loob ng dressing room.

"Bakit parang may kaganapan dito?" tanong ni Bella habang ngumunguya ng gum, "May eksena ka ba ngayon Earl?"

tanong ni Bella "Ah, wala," tipid na sagot ni Earl.


"Earl, pag-usapan natin ulit 'to," sabi ni Allen, na "Makakapaghintay ka ba para sa akin?"sabat ni Allen.Ngunit mabilis na tumanggi si Earl. "Hindi na  may gagawin pa ako, pagod na rin ako. Uwi na lang muna ako, kailangan ko muna sigurong magpahinga paliwanag ni Earl.""Sigurado ka?"pagkumpirma  ni Allen na awang awa sa kasintahan.Matapos ang matipid na oo ni Earl, umalis ito ng dressing room 

...

Samantala sa  isang  opisina ng SIA mall, nasa gitna ng matinding diskusyon sina Jake at ang ama nitong si Elson.

"Ano ang ibig mong sabihin, hindi ikaw ang ama ng anak ng asawa mo?" tanong ni Elson na may galit at pagtataka. "Kailangan nating sampahan ng kaso ang hospital at ang doktor na iyan. Ano nalang ang gagawin ni Doña Melva? Hindi niya pwedeng malaman ito. dadag pa ni Elson. "Nasabi napo ni Anna pa" nakayukung sagot ni Jake. "Bwiset pano ang ang mga plano ko. Gigawa ko ang lahat upang mapasaatin ang SIA Mall

at SIA Inc. Alam mo naman na pinagpilitan kong ikasal kayo ni Anna upang mapasayo ang buong SIA. Paano na na Jake! Paano na! "Galit at pagsigaw ni Elson.  Hindi na sumagot si Jake at lumabas nalang ito ng opisina.


Habang naglalakad sa loob ng mall, bigla niyang nakasalubong si Earl at nakita na tila may iniisip din. "Anong ginagawa mo dito?"Tanong ni Jake. "Ahh galing ako sa taping namin sa may supermarket ng mall ninyo" Matipid na sagot ni Earl.

"Earl, pwede ba tayo mag-usap?" tanong ni Jake. Tinignan ni Earl si Jake at nais din nitong kumustahin si Ana kanya sumangayon ito sa imbitasyon ni Jake.


Sa malamlam na ilaw ng isang kapehan, nag-uusap sina Earl at Jake. "Kamusta na ang asawa mo, okay lang ba siya?" tanong ni Earl."Oo, okay naman siya pero bigla padin siya sa nangyari.At ako rin, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat," sagot ni Jake."Sorry" yun lang ang lumabas sa bibig ni Earl.


"Hindi ka pa rin nagbabago, Earl. Patuloy ka pa ring humihingi ng paumanhin kahit wala ka namang kasalanan. Alam kong mahirap din ito para sa iyo."Napansin ni Jake na tila hindi komportable si Earl sa usapan. Kanya iniba nito ang topic."Maiba ako grabe no sa wakas artista kana.Masaya ako na natupad mo na ang iyong pangarap na lumabas sa mga pelikula at telebisyon,"papuri  Jake.


"Naalala mo 'yon?" tanong ni Earl

"Oo naman, naalala ko. Ano ka ba, hindi ba ako pa nga ang nagsasabi sa iyo noon na subukan mo magaudition at gawin mo kung ano magpapasaya sayo? Hinatid pa nga kita sa isang audition noon, kaso hindi ka tumuloy," paliwanag ni Jake. "Naalala mo pala at pinapanood mo pala ako," tugon ni Earl.


"Oo naman no kahit medyo busy , Kung alam mo lang gano ako kasaya nung makita ko pangalan mo sa isang poster sa cinema ng mall, napasilip ako at natuwa. Pinanood ko pa nga yung pelikula, natatandaan ko sidekick ka ng babaeng superhero grabe konte lang eksena mo pero napahanga mo ako. Balak kong imessage ka para batiin pero wala akong lakas ng loob." sabi ni Jake, may halong panghihinayang sa kanyang tinig.


"Talaga ba? sa totoo nyan . Hinintay kita. Hinintay ko na magpakita ka o kaya ay tumawag o mangamusta man lang . Alam ko kung saan kita mahahanap, pero sabi ko sa sarili ko na ayaw ko nang maghabol at sana ikaw naman ang gumawa ng paraan. Hangang sa nabalitaan ko nalang na kinasal kana," pag-amin ni Earl. 


"Alam mo may dahilan ako kaya ako lumayo at di nakabalik pa."napabuntong hininga si Jake. "Ano ba Earl  lahat 'yon ay nasa nakaraan na, diba? haha " pilit na tawa ni Jake.

"Ahh oo naman past na 'yon. Nakapag-move on na rin ako at mukhang ikaw rin," sagot ni Earl. 

 

"Sir Order po ninyo" singit ng isang waiter.

nahulog ang isang kutchara. Yumuko si Earl para damputin ang kutchara ng bigalang...Boogssss bang bang!!! 


 May malakas na putok ang sumakop sa paligid. Hinila ni Jake si Earl pababa sa ilalim ng lamesa at niyakap at dumapa  sila , may halong takot sa kanilang mga mata at sila ay nagkatinginan. Napakapit nalang si Earl sa bisig ni Jake. Napasigaw si Earl ng makitang sa harapan nila na duguan ang waiter na nagserve ng kanilang inumin.


Itutuloy

No comments: